Wednesday, June 2, 2010

Justin Cuyugan says he’s willing to do frontal nudity for an indie film

Masayang-masaya si Justin Cuyugan dahil pagkatapos ng kanyang role bilang boyfriend ni Dimples Romana sa Only You ay kinuha siyang muli ng ABS-CBN sa teleseryeng Rosalka. Ilang taon rin kasi siyang hindi naging aktibo sa showbiz dahil nagtrabaho siya bilang Vice President ng isang real estate company sa Pampanga kung saan siya nanirahan kasama ng kanyang pamilya. Pero ngayong napagdesiyunan niyang bumalik sa pag-aartista, muling nabuhay ang isyu tungkol sa kinasangkutan niyang nude photo scandal ilang taon na ang nakakaraan.

Ngunit imbis na maalarma ay mabilis na nilinaw ni Justin na wala naman siyang dapat ikahiya dahil totoo naman talagang nag-pose siya ng hubad para sa isang sexy male magazine. “May mga taong gustong-gusto, meron ding mga nandidiri. You cannot please everyone. But personally, I am proud of it. Kapag tumanda yung mga anak ko, ipapakita ko sa kanila na ganito kaganda ang katawan ko before. Yung ibang tao nandidiri lang naman because they use those photos out of context. Art yun e. They were beautifully done by a great photographer,” paliwanag ni Justin sa isang panayam ng ABS-CBN.com.

Hindi pa kasal si Justin sa kanyang girlfriend noong panahong yun pero mayroon na silang dalawang anak. At aminado siya na pumayag siyang magpakuha ng hubad para kahit papaano ay ma-secure niya ang future ng mga ito. “Money is there pero pumasok sa utak ko na paano kung wala na ako sa showbiz. Eksakto kasing nawalan ako ng isang show at that time. Nabakante ako ng three months. Alam ni’yo naman na ganon ang buhay ng showbiz, walang kasiguraduhan. So isa yun sa reasons kung bakit napapayag rin ako.”

Kung sakaling alukin siya ngayon na magpa-sexy muli para naman sa isang indie film, hindi raw magdadalawang isip si Justin lalo na kung maganda talaga ang materyal na mai-o-offer sa kanya. “You know what, depende. Honestly when it comes to art, saludo ako diyan. Pwede ako mag-frontal, I don’t mind. Basta gusto ko when people see it, hindi siya bastos tignan. Kumbaga mage-gets nila na hindi lang ako basta naghubad para sa wala. ‘Tsaka kapag nakita ko na I like it and I think it's really art, tapos sculptured talaga yung katawan ko, better than what I did before, I will do it.”

No comments:

Post a Comment