Wednesday, June 2, 2010

Noynoy Aquino confirms girlfriend Shalani Soledad’s revelations about their relationship

Sa special preview noong weekend ng upcoming indie film na Noy ay nagsidatingan ang mga sikat na artista at big bosses ng ABS-CBN at pati na rin ang presidential front-runner na si Sen. Noynoy Aquino kasama ang girlfriend niyang si Valenzuela Councilor Shalani Soledad.

Tinanong The Buzz si Sen. Noy kung ito ba ang kanilang second movie date ni Shalani na inamin noong nakaraang linggo na ang first-ever movie date nila ay ang pelikulang For The First Time nina KC Concepcion at Richard Gutierrez. “Hindi naman, nakatatlo (movie dates) na yata kami,” biro ng senador.

Nagbiro rin ang pulitiko sa pagbubunyag noong nakaraang linggo ni Shalani na naging pick-up line ni Sen. Noynoy na kaya raw pala nakaligtas siya sa isang aksidente years before ay dahil makikilala niya ang magandang konsehala 20 years after. “Akala ko siya (Shalani) ang nagsabi no’n,” pagbibiro ni Sen. Noy. “Nasabi ko nga ho ‘yon.”

Sa tanong naman kung na-love-at-first-sight siya kay Shalani, ang tugon naman ng incoming president, “I’m too old para sa love at first sight but you can say I was attracted at first sight.”

Matipid din sa reaksyon si Sen. Noy nang tinanong sa pahayag before ni Shalani na handa siyang maghintay sa kasintahan at alam niyang prayoridad ngayon ng senador ay ang obligasyon bilang susunod na pangulo ng Pilipinas. “May obligasyon po ako sa mga umaasa po sa akin at tugunan ‘yon. Second priority ang personal (life),” sagot ni Sen. Aquino.

No comments:

Post a Comment