Wednesday, June 2, 2010

Robin Padilla on Mariel Rodriguez: ‘Sino ba ang hindi mabibighani kay Mariel?’

Matapos ang dalawang linggong pagiging guest co-host ni Robin Padilla sa Wowowee ay inamin niyang nami-miss niya ang show at ang mga tao rito. “Miss ko sila hindi ako nakatulog parang biglang nabago ang buhay mo, biglang isang araw nawala lahat ‘yon,” ani Robin sa panayam ng The Buzz.

Nagbigay rin siya ng malamang pahayag nang tanungin kung papayag ba siyang bumalik sa show kung alukin siya. “Ako po’y handang bumalik gusto ko lang ng malinaw na usapan. ‘Yun lang ang gusto ko. Ayoko lang mapagbintangan ako na nang-agaw.”

Sinagot din ng action superstar ang napapabalitang pagkakamabutihan umano nila ng isa pang Wowowee co-host na si Mariel Rodriguez na kamakailan ay kinumpirmang nagkahiwalay na sila ni Zanjoe Marudo. “Sa apat na sulok ng Wowowee nanliligaw ako,” ani Robin pero hindi raw sa totoong buhay. “Sino ba’ng lalaking hindi mabibighani kay Mariel?” dagdag pa niya.

Napapabalita kasing isa raw sa dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Mariel at Zanjoe ay dahil nga nililigawan si Mariel ni Robin. Pero nauna nang itinanggi ito ni Mariel. Kung magkakaroon man siya ng relasyon, sinabi ni Robin na kailangan ding matanggap ng kanyang susunod na makakarelasyon ang kanyang sitwasyon. “Una, tatanggapin ang sitwasyon ko, ang priority ko ‘yung foundation ko, alam ng dalaga ‘yon na uunahin ko ‘yon bago siya,” pagpapaliwanag ni Robin.

No comments:

Post a Comment