Proud si Melai Cantiveros sa pagsasabing going strong pa rin ang relasyon nilang mag-sweetie pie na si Jason Francisco sa kabila pagka-super busy ng kanilang schedule. Sa kasalukuyan tatlo ang regular shows ng Pinoy Big Brother Double-Up ex-housemates na ito; ang Precious Hearts Romances Presents: Impostor, Banana Split at ang upcoming primetime series Kokey @ Ako.
Hindi raw totoong natatabangan na sila sa isa’t isa dahil hindi na raw sila nakikitang sweet with each other. “Minsan lang kami mag-sweet kasi nga kapag may taping day masyadong nakakahiya naman. OA naman kung mag-sweet kami, mag-‘I love you, honey,’ gaganun ba? Kapag may time, mag-dedate kami sa sinehan pero lagi naman kaming magkasama.”
Nakaaaliw na ikinuwento ng dalaga ang kanilang gift-giving na very simple pero sweet. Ang naging monthsary gift daw niya kay Jason ay isang action-figure ng Spider-Man na kulay black. “Kasi favorite niya ang Spider-Man. Para siyang rebulto ganon. Walang red, eh, black lang ang nakita ko tutal maitim naman ang kanyang budhi black na lang,” pagbibiro ni Melai.
Kinumpirma rin niya na ang gift sa kanya ni Jason ay mga sampagita. Sinabi ni Jason sa isang interview na dahil sa kawalan ng oras na bumili ng regalo para kay Melai, may nakita siyang bata na nagtitinda ng sampagita at binili niya ang mga ito at siyang ibinigay kay Melai. Nang tanungin kay Melai kung nasaan na ang mga sampagita, ang sagot niya, “Natuyo na, tali na lang ang natira.”
Recently raw ay niregaluhan siya ni Jason ng isang clock na worth P250. “Lagi siyang (Jason) nagagalit kasi ‘pag meron kaming mga taping siya ang nanggigising sa akin,” kuwento ni Melai. “Lagi niyang pinapagalitan ang mama ko, ‘Gisingin mo naman ‘yang si Isay.’ Mama ko pinapagalitan niya ‘yung mga best friends ko pinapagalitan niya dinalhan niya ako ng relo para ‘pag maingay (mag-alarm) magising ako.”
No comments:
Post a Comment