Wednesday, June 2, 2010

Priscilla Meirelles on John Estrada: ‘Sana we’ll be forever happy together’

Naingingilid ang luha kahapon ni Priscilla Meirelles, ang beauty-queen na girlfriend ni John Estrada habang dini-detalye sa The Buzz ang nalalapit nilang pagpapakasal. Apat na taon na silang magkarelasyon at sa Pebrero 2011 ay ikakasal ang dalawa sa isang beach wedding sa bansa, samantalang pagdating ng Mayo o Hunyo ay pupunta
sila sa bansa ni Priscilla, sa Brazil para magkaroon ng second wedding.

Sa The Buzz kahapon sinabi ng former Miss Earth na hindi kasi makakapunta sa Pilipinas ang lahat ng pamilya niya mula sa Brazil kung kaya’t naisipan nilang magkaroon ng pangalawang wedding sa kanyang bansang sinilangan. “It’s a gift from my mom, a wedding in Brazil so I cannot say no,” ani Priscilla na nag-volunteer ang ina na sasagutin ang kasal pagdating nila sa Brazil. Sa matagal na panahong pananatili na ni Priscilla sa bansa ay ikinokonsidera niya itong sarili na niyang tahanan at sinabing hindi naman nalalayo ang pagkatao ng mga Pinoy at Brazilians.

Halata ring mahal na mahal ni Priscilla ang actor-boyfriend nito na very sentimental ang ibinigay na mensahe para kay John. “Baby Boy, alam mo that mahal na mahal ko kayo tsaka I’ll really treasure our relationship,” simula ni Pricilla. “Sana we both grow up together and grow old together and you know naman I’ll really treasure our families and I really wanna have a family with you and all my intentions are… that I’d be able to make you as happy as I can and sana we’ll be forever happy together.”

Nakatutuwa ring sinabi ni Priscilla na sa kanilang relasyon ang boss ay si John dahil pinapayagan niya ito. “Sobrang sa relasyon namin we both decide things,” sabi niya.

No comments:

Post a Comment