Thursday, May 20, 2010

Aiai Delas Alas says 2010 is her year

Year 2010 is definitely a great year para sa Comedy Concert Queen na si Aiai delas Alas. Katatapos lang ng matagumpay na guesting niya sa Maalaala Mo Kaya para sa Mother’s Day presentation ng top-rating and longest drama anthology sa telebisyon kasama ang child superstar na si Zaijian Jaranilla sa direksyon ni Jerry Sineneng. Kabilang din si Aiai sa mga hurado ng “Pilipinas Got Talent” with Freddie Garcia and Kris Aquino. Marami na rin ang nag-aabang sa kauna-unahang pagtatambal nina Aiai at Aga Muhlach sa isang drama-comedy show sa ABS-CBN sa direksyon ni Jeffrey Jeturian. “Hopefully, ngayong May kami magsimula ni Aga ng taping. Hindi na sa Tagaytay ang location namin, e. Pero sa bandang south pa rin,” bungad ni Aiai.

Kapipirma lang ulit ni Aiai ng panibagong exclusive contract for two years sa ABS-CBN. At bahagi nito ang mga programa niya na Plipinas Got Talent, ‘yung show with Aga at soap opera. “May gagawin din ako’ng movie this year para sa Metro Manila Film Festival. Sabi ng taga-Star Cinema, may filmfest entry ako this year. Pero syempre nababago ang mga desisyon. Gusto ko mag-US tour sa December After November ng concert ko, gusto ko dollars (ang kikitain ko)! At saka, oo, hinahanap na ako ng mga fans ko abroad. ‘Yung mga natitira ko pa’ng fans. Tapos ‘yung concert ko sa Araneta Coliseum on November 19. Wala pa kaming title pero ano ito, pang-birthday pero mas highlighted yung 20th anniversary ko sa showbiz. Nagbigay na rin ng down payment ‘yung producer ng concert. Sila rin ‘yung nagpro-produce ng concert ni Lea Salonga. At syempre, magge-guest si Lea sa concert ko,” masayang kwento ni Aiai.

Kinausap na rin daw niya si Megastar Sharon Cuneta na mag-guest sa concert niya and the rest of the big stars na umapir din sa past concerts niya including sina Tito Vic, and Joey at ang The Hunks nina Piolo Pascual, Diether Ocampo, Carlos Agassi, Bernard Palanca and Jericho Rosales. “Hihipuan ko sila ulit. Hihipuan ko sila ng bonggang-bongga. Teka, bukod sa hihipuan ko sila, gusto ko hipuan naman nila ako, for a changce! Parati na lang ako ang naghihipo sa kanila. Gusto ko, ako naman ang laswain nila,” natatawang sabi ni Aiai. Sino ang pinaka-daks sa The Hunks para sa kanya? “Noon? (hiniupuan niya). Sa tooo lang,. sa kanila, si Piolo. Nagulat nga ako, ‘day, e! Nu’ng araw kapag hinihipuan ko ang The Hunks, si Piolo naglalagay ng tissue! ‘Yung bilog, ‘yung karton nu’ng tisyu. Niloloko nila ako. Pero totoong nahipuan ko si Piolo sa Araneta. Walang pading yun. Kasi nabigla lang din ako. Kasi niloloko ko siya, e. Hindi ko naman siya totohanin. Nagulat kaming pareho. Kasi hindi ko naman alam na tatama talaga, e. Daakkss! Nakakalokah!”

Kumusta naman ang lovelife niya especially ‘yung huling nabalita na Greek lover niya na pinuntahan pa niya ng dalawang beses. “Ayoko na, and ayaw na rin niya, hahaha! Nagkakagulo kasi ngayon sa Greece . Maraming protesta sa kanila. Economy ang problema nila doon. Mas okay pa ang economy natin. Kaya mas maraming protesta sa kanila. Na-bankrupt ang country nila.” Bago nakilala ni Aiai ang Greek lover niya, may na-link din na Valenzuelan model sa komedyana. “Isusunod ko naman taga-Peru, Portugal , Guatemala , hahaha! Walang nagpapasaya sa akin ngayon pero Masaya ako dahil natapos ko na ‘yung ‘AiA’s 10 Ways To Be Happy.’ Tagalog and English ‘yun. Sinunod ko lahat ‘yun and binase ko ‘yun on my own experience and nu’ng ibang tao,” tapos ni Aiai.

No comments:

Post a Comment