Apologetic si Angel Locsin sa King of Talk na si Boy Abunda sa pagkakadawit sa isyu bilang bagong manager ng aktres. Nauna kasing lumabas sa balita na si Boy na ang bagong manager ni Angel pagkatapos kumalas sa dati niyang manager na si Becky Aguila. Bagaman kamakailan ay kinumpirma ni Angel na ang manager ni Aga Muhlach na si Ethel Ramos na ang manager niya ngayon. “Hindi ko alam kung bakit lumabas ‘yung kay Tito Boy kasi hindi naman kami nag-uusap, e. Tapos bigla na lang ayun nga lumabas. Nahiya nga ako kay Tito Boy, e, “ umpisa ni Angel na bagong celebrity endorser ng MosBeau whitening products. Tinawagan ba niya si Boy para magpaliwanag? “Natakot ako, e. Alam mo mabait si Tito Boy pero hindi ko alam kung papano ipapaliwanag sa kanya kaya as much as possible ina-avoid ko talaga ‘yung question.” Given a chance, willing ba siyang pa-handle noon kay Boy? “Sino ba naman ang tatanggi kay Tito Boy ‘di ba? Bukod sa respetadong manager, respetadong tao pa. Napakabait. Pero ayokong ilagay na naman sa spot si Tito Boy kasi hindi pa naman kami nagu-usap tungkol sa ganitong bagay pa. At bilang respeto rin bilang manager kay Tita Becky, alam ko sila dapat ang maka-usap.”
Samanatala, bukod sa panunuyo ulit ng ex-boyfriend niyang si Luis Manzano nababalita rin na nililigawan siya ng lead singer ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda. “Ewan ko ba bakit lumaki ‘yung isyu? Wala naman kasing isyu kaya natatawa na lang kami. Sa Twitter nga pinapatulatan na lang namin kahit sabihin ko, oo, kami na,” ngiti ni Angel. Nakita raw sila sa Malate ni Chito na magkasama. Totoo ba? “Hindi lang naman kaming dalawa. Ano’ng Malate? Hindi pa ako nakakapunta sa Malate.” Halloween party diumano ang pinuntahan nila ni Chito. “Costme party ba ‘yun? Ang costume party lang na napuntahan ko Halloween party, November. ‘Yun ‘yung unang beses kaming nagkita. Kumain kami sa isang restaurant sa may P. Burgos . Malate ba ‘yun?” Natanong na rin naming kung close ba siya kay Chito at na-lilink sila ng ganito. “Oo kasi kasama siya sa AACI, Ampalaya-Calamansi ‘yun. Pati si Paolo Paraiso inaano (tukso) nila, parang sila ‘yung loveteam doon.” Type ba niya si Chito? “Hindi, wala namang ligawang nangyayari. Wala, walang ganu’n.” Since napunta na rin sa usapang ligawan ay naitanong na rin naming kung nanliligaw pa rin ba sa kanya ang 2009 CNN Hero of the Year na si
Efren Penaflorinda? “Ano siya, in fairness du’n sa tao, hindi lang kasi siya sanay sumagot sa show biz kasi bago, e. Pero ‘yun nga kawawa lang, nadadamay lang.” Hindi na pumupunta si Efren sa bahay niya? “Minsan pumupunta. Pero wala namang ano, wala namang ligawan na nangyayari.” Five years daw siyang hinintay ni Efren, naniniwala ba siya? “Sinabi niya ‘yan sa akin dati pero akala ko nagbibiro lang siya.” Nabanggit na rin ng aktres na di siya naniniwala sa mga chismis na ginagamit lang siya ni Efren. “Actually, hindi naman. Kasi nasabi niya sa akin ‘yun hindi pa siya nanalo, e. So, sa tingin ko naman baka totoo naman talaga na matagal niya ako’ng hinintay. So, sa akin ang importante naman kung ano ‘yung nagawa nu’ng tao sa Pilipinas. ‘Yung makapagbigay ka lang ng hope, marami ka’ ng bata na natutulungan, nakilala ko naman ‘yung mga batang tini-train nila na parang next Efren. Nakaka-ano, nakakatuwa.”
No comments:
Post a Comment