Saturday, May 22, 2010

Jericho Rosales on rumored GF Cesca Litton: ‘I’m really proud of her’


Sobrang proud si Jericho Rosales sa napapabalitang girlfriend niya na si Cesca Litton, nang pag-usapan ang pagpapadala sa SNN field reporter sa Cannes sa France para i-cover ang Cannes Film Festival. Kilala kasing mailap si Echo sa mga tanong hinggil kay Cesca pero nagsalita ito nang ma-interview siya ang ilang press nang mag-tape para sa upcoming talk show ni KC Concepcion, ang Simply KC. “You know what, I really don’t talk much about our relationship and about her but at this point talaga I’m going to say I’m really, really proud of her,” simula ni Echo.

Ikinuwento pa ni Echo na nagkaroon pa ng kumpetisyon sa ilang media people kung sino ang ipadadala ng Pilipinas sa Cannes para sa prestigious film festival at isa si Cesca sa ilang masuwerteng napili. Dagdag pa ng aktor, isang karangalan para sa kahit na sino na maipadala sa prestihiyosong film festival. “It’s a big opportunity for everyone and she’s interviewing big stars like Benicio del Toro and Terence Howard,” pagbibida pa niya.

Pero bukod pa sa kanya, alam daw niya na pati ang kanyang mother station na ABS-CBN ay binibigyan din niya ng karangalan at ang patuloy na paghahatid ng balita sa kanyang mga kababayan hinggil sa event.

Pabiro ring sinabi ni Echo na updated din daw siya sa mga balita ni Cesca kung anong mga ginagawa niya sa France.

Excited naman si Echo sa upcoming movie nila ng mag-amang si KC at Gabby Concepcion at sinabing malapit na nilang matapos ang pagsu-shoot ng pelikula.


No comments:

Post a Comment