Sunday, May 23, 2010

Erich Gonzales says she has no complaints working during the holidays


After her effective portrayal as Nene in Katorse, Erich Gonzales, considered as one of ABS-CBN's breaktrough actresses, boasts her acting talents once again in the next sure-hit primetime series this January, Tanging Yaman on ABS-CBN.Thankful for another project, this beautiful Davaoena expressed that she can't help but feel excited for the airing of her next TV series. “Excited po talaga ako. Parang first time 'yung feeling of excitement ko. Kakaiba po ito sa Katorse. Ibang klaseng role at kakaibang pag-atake na naman po sa character kong isang babaeng palaban.Sa Katorse po kasi, ako 'yung si Nene na iyakin at lahat ay halos pinasan na lahat.”

Ang dami naming naitanong kay Erich during our intimate interview sa kanya. Kamusta naman ang kanyang nakaraang Pasko? “Okay naman po. Pumunta po rito sa Manila ang mother ko.Tapos this New Year ay darating naman ang kapatid kong nasa Japan to celebrate New Year with us dito sa Manila. Masaya naman ang Pasko pero may trabaho pa rin ako.” Hindi ba siya naninibago sa kanyang pagiging busy sa pagtatapos ng taong 2009 at sa pagpasok ng taong 2010? “’Yun nga po eh! Hindi baleng pagod po ako at laging puyat o walang pahinga dahil mas maganda na po ito kaysa sa walang ginagawa. Mahal na mahal ko po ang trabaho ko at ito ang gusto kong mangyari sa career ko. Happy ako always at sisipagan ko pa po.”

Ano namang pakiramdam nang tawagin siya at ipinakilala sa press bilang ang Tanging Yaman ng ABS-CBN? “Nakakapanindig balahibo po talaga. Kasi, alam naman po natin kung gaano ko katagal hinintay ang mga projects na ito ngayon sa akin. Sobrang touched talaga ako. Kaya nga nangako ako sa sarili ko na with all these blessings and trusts na binibigay sa akin ng ABS, pinagsisikapan ko po talagang hindi sila mapapahiya sa akin.Utang kopo lahat ng ito sa ABS,” sabi niya.

Kamusta naman sila ni Xian Lim na hindi niya makaka-trabaho sa Tanging Yaman? “Ang alam ko po ay may ginagawa rin siya. Friends pa rin po kami. Oo, nanligaw talaga siya sa akin noon, pero nagkaroon naman kami ng magandang usapan na huwag muna ang mga ganoong bagay at unahin muna namin ang aming mga showbiz career dahil nag-uumpisa palang kami. Okay naman sa kanya at kaibigan pa rin naman kami until now.”

What about sa isyung diumano ay hindi siya sisikat at makikilala kung hindi dahil sa leading man nitong si Ejay Falcon sa Katorse na mismong si Ejay pa raw ang nagsabi nito against her? “Nung makarating po sa akin, sobrang na-hurt po talaga ako sa sinabi niyang 'yun. Hindi ko po ine-expect na magsasalita siya ng ganoon sa akin na wala naman akong alam na time na inaway ko siya o nagsabi ako against him. Sa four years na nandito po ako sa showbiz, never po akong nanggamit ng kapwa ko para lang po ako mapag-usapan at mapansin. Hindi ko po kasi ugali ang ganoon at hindi po ako mahilig sa away.”

Kamusta naman ang relasyon daw nilang dalawa ngayon ni Enchong Dee? May MU na nga ba silang dalawa? “Wala! Basta close kaming dalawa ni Enchong. Matagal ko na kasi siyang ka-trabaho noon pa at mas magaan ang loob ko sa kanya.Perfect and gentle si Enchong at totoong tao siya. Siguro, matalik na kaibigan kami ngayon pero hanggang dun lang muna kami kasi nag-usap din kaming dalawa about our careers and everything at pareho kami ng goals sa buhay."

No comments:

Post a Comment