Thursday, May 20, 2010

Maja Salvador speaks about rumored new boyfriend

Bago sumampa sa fashion show ng 10th anniversary ng Folded and Hung ay ekslusibong nakausap ng ABS-CBN.com si Maja Salvador. Itinanggi ni Maja ang balitang may itinatago siyang relasyon sa isang dancer mula sa dance group ng G-Force. Ano ang reaksyon niya dito? “Wala, close kami sa G-Force, kami-kami. Kami nina Rayver (Cruz), nina Iya (Villania), ‘yan close kami. Tapos ‘yun, ewan ko nai-isyu kaming dalawa. Ang matindi nga ‘di ba sa backstage nga raw kami naglalandian tuwing ASAP. E, paano naman mangyayari ‘yun, e, lagi silangsumasayaw. May time pa ba na maglandian? Wala, wala po talaga. As in close lang po talaga sa G-Force.,” explain ni Maja.

Feeling ni Maja, naintriga sila dahil sa tinawag niya itong ‘baby’. “Hindi, kasi datitinatawag-tawag ko siya na ano, ‘Baby,’ gumaganu’n ako. ‘Di bauso ‘yung mga ganyan? Sa mga kabaklaan na ano ganyan ang tawagan ‘di ba?” Mako-consider ba niya na ‘yun ang kanilang term of endearment? “Oo,” pag-amin ni Maja. Kapag sinabing term of endearment ibig sabihin talaga there’s something between them. “Hindi, hindi,” sabay natatawang bawi ni Maja. Bakit niya tinawag na ‘baby’ ‘yung dancer? “Wala, kasi nu’ng ano pa ‘yun, e, nu’ng nag-Your Song kami ni Rayver. ‘Di ba nag-guest ‘yung G-Force sa Your Song?Noon pa ‘yun. Tapos nagsasayaw-sayaw siya. ‘Ay, ang guwapo,’ gumaganu’n-ganoon ako.”

Ayon pa sa young actress, matagal na niyang kakilala ang dancer kaya’t nabigla siya sa chismis na ito. “Hindi, matagal na po kaming close sa G-Force. Kaya biglang nagulat ako may lumalabas na isyu.” Ano ang reaksyon nu’ng dancer? Lumalapit pa ba sa kanya ‘yung dancer? “Oo, parang pinagtatawanan lang naming lahat na taga-G-Force.”

Natawa pa lalo si Maja ng marinig na may balita na dinadalhan pa niya ng pagkain sa rehearsal nung dancer. “Uy! Exagge (exaggerated) na ‘yun, huh. Wala ako’ng dinadala na mga ganu’n. Wala namang mga ganu’ng kaganapan.” Masasabi niya na libre pa talaga ang puso niya ngayon? “Yes,”pagkumpirma ni Maja. “Libreng-libre. Pero parang hindi rin libre dahil busy sa trabaho,” tapos ni Maja.

No comments:

Post a Comment