Malapit na ang buwan ng Hunyo kung saan nakatakdang ideklara si Noynoy Aquino bilang bagong Pangulo ng ating bansa. Kasabay nito ay ang pamamaalam rin ng matalik nitong kaibigang si Kris Aquino na umalis bilang co-host nito sa The Buzz at SNN para na rin daw protektahan ni Kris ang kanyang kapatid na president-elect. Umusbong naman ang haka-hakang naghihintay na rin daw kay Boy Abunda ang isang mataas na posisyon sa gobyernong Aquino. Siya raw ang itatalaga ni Noynoy Aquino bilang Press Secretary ng Malakanyang at gagawing MTRCB Chairman? “Tayo naman ay bukas sa ano usapan. Hindi naman tayo nagsasara ng anumang pintuan at posibilidad! At lagi kong sinasabi na hindi naman po tayo nagsasalita ng patapos. Actually, hindi pa man lumalabas ang isyung 'yan, alam ko ng magkakaroon ng ganyang usapin about me. At alam naman nating lahat that I've worked hard for the campaign of Noynoy not for anything else kundi du'n na lang sa respeto at pagmamahal ng pamilyang Aquino sa akin lalo na nung buhay pa si Tita Cory. Hindi ko inaasahan ang anumang offer sa akin. Wala 'yan sa isip ko at wala akong plano for that. Ginawa ko lang bilang isang kaibigan ang dapat kong gawin at maitulong sa kaibigan kong pamilya especially kay Kris, ginawa ko lang din kung ano lang ang nararapat ng walang inaasahang kapalit and that's it.
"Alam n'yo, kaya siguro may mga ganyang isyu ngayon dahil alam nilang mayroon akong magagawa, may nakikita siguro silang kakayahan ko bilang isang Boy Abunda, may nakikita silang qualifications sa akin na maybe kayang-kaya kong gawin at nakikita siguro nilang kaya kong magbigay serbisyo! Ganoon lang ka-simple 'yun! Sa lahat ng nabanggit ninyong posisyon, wala akong gusto, like MTRCB, parang ang hirap noon, because I have shows in a row, how can I make it pa? Parang hindi ko na kakayanin 'yun plus the fact that for how many years ko na in this industry, mahal na mahal ko na ang trabaho ko, mahal ko na rin ang mga alaga ko, mahal ko na rin ang mga taong nakakatrabaho ko, ang daming taong sumusuporta sa akin at nagtiwala, siguro, kung kakayanin ko man, tingnan natin pero pag-iisipan ko pa rin kung ano 'yung makakabuti sa atin," mahabang depensa pa nito.
Kamakailan lang ay nagbigay ng kanyang financial help si Boy Abunda sa muling pagpapaganda at pagpapaayos ng MET o Metropolitan Theatre sa may Lawton, Manila. Malaking bagay at malaking alaala diumano para kay Boy Abunda ang naturang theater sa dahilang dito siya nag-umpisa at maratying ngayon ang tagumpay na kanyang tinatamasa. “Yeah. I just gave it to Jobert (Sucaldito) para siya na ang bahala and we're donating 17 chairs for MET. Natutuwa ako sa proyektong ito sa dahilang dito ako sa MET nag-umpisa. Sa MET ako unang nagtrabaho bilang isang production assistant, nililinis namin ang backstage, tsini-check ang costumes, binibilang ang props na kawayan, combat trained ako sa MET, doon ako nagsimula nang walang-wala, walang pamasahe, dun kami sa ilalim ng LRT kumakain sa tabi-tabi, pero, masaya ang buhay doon. Kaya when I heard it na ipapa-renovate nila, aayusin ang MET, tuwang-tuwa ako," pagtatapos ng host sa aming panayam.
No comments:
Post a Comment